PRIDE. DIGNITY. SELF-RESPECT.
Yan ang mga salita na alam kong meron ka at meron ako. Siguro, yung iba…wala. Wala dahil minsan na nilang nagawa ang mali. Mga kamalian na alam nila ay tama at sa tingin ng iba ay masama. Ganun naman talaga ‘di ba? Nakasaad sa pangkalahatang pagpapasya ang kung anumang bagay na magiging pamantayan ng pansarili nating desisyon. Nasa pangkalahatang katanggapan ang kung anumang pamantayan ang meron tayo mula pa noon hanggang sa kasalukuyan sa kahit na anong usapin. Mga pamantayan ng mali, tama, mabuti at masama. Ngunit, paano mo masasabing tama ang isang bagay na mali kung hindi mo pa ito nararanasan? Teka, pwede ba yun? Maaari bang maging tama ang mali at maging mali ang tama? Kung gayon, bakit pa nasabing tama o mali ang mga ito? Ay ewan. Basta ang alam ko, may pride ako, may dignidad ka at may self-respect sila.
Lumaki tayo na may sinusunod na “dapat” at “hindi dapat”, “maaari at “bawal”. (Dapat mag-aral ng mabuti. Hindi dapat yan ang ginawa mo. Bawal ang magkalat. Maaring suotin ang sapatos kahit walang medyas). Lumaki rin tayo sa mga payo ng mga mas nakakatanda satin. Mapakamag-anak man natin ito o hindi. Kung hindi man natin to sundin, o kung makipagdiskusyon pa tayo sa mga alam nating tama kahit baluktot na e sasabihin naman nila ang mga katagang paborito ng nanay ko, “PAPUNTA KA PA LANG, PABALIK NA ‘KO.” Teka. Malayo na ba? I mean, “anong konek?” na ba ang sinasabi ng isip mo? Haha :D sa totoo lang, sinulat ko ito ng walang kahit na anong iniisip pwera lang sa tatlong salitang naisulat ko sa itaas. á mmm.. sabihin na lang natin na nakakarelate ako. Pwede ring may kakilala akong may ganyang isyu sa buhay at maaari ring may ilang punto sa buhay mo na naisip mo kung may pride ka rin ba o wala.
Tama. Naisip ko nga iyan, kung may pride nga ba ko o wala, o baka meron dahil sa tingin ko nga ay meron o kaya naman wala dahil yun ang sinasabi sakin ng iba. Minsan kasi sa ilang bahagi ng pagkatao ko, naitanong ko sa sarili ko kung ano nga ba ang pagmamahal sa sarili? Yun ba yung tipo ng tao na halos kada segundo e nagpapalit-palit ng primary picture sa Facebook? Yun ba yung mga klase ng tao na panay ang tweet sa Twitter tungkol sa kung anumang ginagawa nila sa buhay? Yun ba yung mga taong panay ang Group Message kahit kakain lang sila ng almusal e tinetext pa at ibinubrodkas sa iba? O yun ba yung tipong gumagawa ka ng mga bagay na nakabase sa…”Pakelam ko sayo? Inggit ka? Gaya ka!” ??? Teka, Baka naman iyon yung mga tao na hindi humihingi ng tawad sa mga taong nasasaktan nila. Mmm, pwede rin na yung salitang pride e nakabase sa pagiging misteryoso ng tao, tapos yung dignidad e nagpapatunay na sing tigas ng bakal ang bunbunan mo at ang self-respect e nagpapakita na dahil sa sobrang pagmamahal mo sa sarili mo e hindi mo na maatim na tignan ang sarili mong ipanapapahiya o napapahiya sa ibang tao.
Hindi ko alam kung yan nga ba ang basehan ng tatlong salitang naisulat ko sa taas o yung mga unang nasabi ko (bago ang salitang TEKA..BAKA NAMAN…blah blah blah) na minsan ay “OK! Aaminin ko” nagawa ko na rin naman. Para kasi sakin, yung pride, e talaga namang napapatunayan pag galit ka sa isang tao; yung dignidad naman e nagpapakita na kaya mong panindigan ang mga ginawa o nasabi mo sa Facebook man (na hindi nireremove post) o maging sa personal (na walang dinadamay na kung sinumang Poncio Pilato); at yung self-respect naman e yung ayaw mong mabastos ka ng ibang tao (yung tipong away mong sipulan ka ng tambay dahil hindi ka bayaring babae o kaya ayaw mong murahin ka ng iba dahil hindi ka puchu puchung nilalang). Para din sakin, ang kahit na anong uri ng pagmamahal, mapa-sa-sarili mo man (SORRY! alam ko walang salitang ma-pa-sa-sarili at di ko rin naman kasi alam kung anong tamang paglalapi dyan) o maging pagmamahal sa iba e dapat hindi lumabis o kumulang. Dapat balanse lang dahil kung hindi, mas mainam pang nanirahan ka na lang sa isa sa mga pulo sa Hundred islands kesa manatiling parte ng magulong lipunan na ating ginagalawan. Accept the fuck este fact J
Naniniwala rin kasi ako na may mga bagay sa mundo tulad ng mga “hindi inaasahang bagay” na siyang nagbibigay turing sa mga salitang “milagro”, “malas”, “swerte”, at “pagkakamali”. Sige nga! Lahat ba ng bagay alam mo? Inaasahan mo ba kung ano ang eksaktong oras ng brownout sa inyo? Alam mo ba kung anong oras dumaraan yung man-made satellite sa kalangitan? (Yung parang bituin sa langit na gumagalaw!) Alam mo rin ba kung anong oras ka mamamatay? O kung anong bagay na maaaring mangyari sayo bukas pagmulat ng mata mo matapos maligo? Inaasahan mo na ba ang mga bagay-bagay na mangyayari sayo? See? Hindi ka sigurado ‘di ba? Kasi nga, hindi lahat ng oras e alam mo kung anong nangyayari sa iba, mangyayari sayo at nangyari sa kanila. Hindi lahat ng bagay e naaasahan dahil kung gayon, edi dapat wala na lang mga bagay na “siguro”, “baka” at “maling akala”. Dapat lahat ng bagay ay tama. Tapos lahat ng tao mayaman. Tapos lahat ng tao Masaya. Tapos naiiwasan na rin natin yung mangutang sa iba. Syempre, pag ganon na lahat ng bagay sa mundo, kapag perpekto na, as in, wala ng malungkot, naghihirap, nagmamakawa, nagbababa ng pride, dinudungisan ang pagkatao at napapahiya, I’m sure…wala ng magtatanong satin na “Natutulog ba ang Diyos?” o kaya araw-araw sasabihing “Praise the Lord!” tapos, ako, eto magmumukmok sa isang tabi, magbibilang ng strands ng buhok, matutulog ng matiwasay at walang iniisip na problema ng iba o problema ni sarili. Kay gandang mundo! Whatta wonderful world! NAPAKABORING!
Pride, dignity and self-respect. Tatlong banyagang salita. Tatlong pinaghiwa-hiwalay na salita na iisa lang naman ang patutunguhan, pagmamahal sa sarili. Ika nga ni mother, “Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba” at sabi naman ni Great Father in Heaven, “Love others as you love yourself”.
Siguro nga masyado ko ng naiisip ang mga pagkakakilala sakin ng pamilya ko, ng mga kaibigan at kakilala ko, ng ibang tao na kung saan, dumarating sa punto na hindi ko na nakikilala ang sarili ko. That’s the bottom-line! You will never truly love someone whom you do not know. At dahil alam ko ang kalakasan at kahinaan ni “ko”, at the end, masasabi ko pa ring kilala ko si “ko”. Kilalang kilala. Masasabi ko bang “hindi ko na siya nakikilala” kung hindi ko talaga siya kilala?
Okay. Naliwanagan na ko salamat sa pagbabasa J
0 comments:
Post a Comment